Sumasalamin sa Kasipagan
Ang PAGSASAKA ay isa sa pinakamahirap at pinakamahahalagang gawain sa ating bansa. Ito ang pinakamalaking pinagkukunan ng hanap buhay ng maraming pilipino dahil ang ating bansa ay mayaman sa lupaing agrikultura. Nakakalungkot lamang na isipin na maraming tao ang mababa ang tingin sa mga magsasaka, ang trabaho sa bukid ay hindi madali kailangan magbanat ng buo hindi lamang dahil sa kailangan mong pakainin ang iyong buong pamilya kundi na rin ang taong bayan. Kung wala ang mga masisipag na magsasaka, tiyak na walang makakain ang tao.
Planting Rice by Fernando Amorsolo |
Ang larawang ito ay, ipininta ng bantog na pintor na si Fernando Armosolo. Ipinapakita dito kung pano magsikap nang husto ang mga magsasaka upang tayo ay may makain. Malinaw din na naipakita ang Mt. Mayon na matatagpuan sa albay. Buong pusong ipinapakita ng mga magsasaka kung gaano sila kadalubhasa at kadesidido na magtanim upang may makain ang kanilang mga kababayan. Maaaring nagpapakita din ito ng pagpapahalaga sa bawat butil na ating kinakain-huwag na huwag magsasayang ng pagkain.
Masasabi ko na mahirap ang buhay magsasaka, ikaw ang bilad sa araw at nakayuko. Sabi nga nila kung sino pa ang nagtatanim, sya pa ang walang makain. Totoo ito, lalo na ngayon panahon na bumababa na ang presyo ng palay mas mataas na ang ibang bilihin kesa sa presyo ng palay, marami na ang magsasakang nalulugi dahil sa unti-unting pababa ng presyo ng palay sa industriya.
Nakakalungkot lang isipin na ang magmasasaka ay hindi masyadong nabibigyang pansin, kaonti ang kanilang nakukuha kumpara sa kasipagan na inilalaan nila sa pagtatanim ng palay.
Isa ang pagsasaka sa mga dahilan kung bakit kami nakakapag aral, isa akong anak ng magsasaka at hindi ko iyon ikinakahiya. Kailanman ay hindi nakakahiya ang pagiging isang magsasaka, kung wala sila wala tayong kakainin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento