Mga Post

Sumasalamin sa Kasipagan

Imahe
            Ang PAGSASAKA ay isa sa pinakamahirap at pinakamahahalagang gawain sa ating bansa. Ito ang pinakamalaking pinagkukunan ng hanap buhay ng maraming pilipino dahil ang ating bansa ay mayaman sa lupaing agrikultura. Nakakalungkot lamang na isipin na maraming tao ang mababa ang tingin sa mga magsasaka, ang trabaho sa bukid ay hindi madali kailangan magbanat ng buo hindi lamang dahil sa kailangan mong pakainin ang iyong buong pamilya kundi na rin ang taong bayan. Kung wala ang mga masisipag na magsasaka, tiyak na walang makakain ang tao.  Planting Rice by Fernando Amorsolo     Ang larawang ito ay, ipininta ng bantog na pintor na si Fernando Armosolo. Ipinapakita dito kung pano magsikap nang husto ang mga magsasaka upang tayo ay may makain. Malinaw din na naipakita ang Mt. Mayon na matatagpuan sa albay. Buong pusong ipinapakita ng mga magsasaka kung gaano sila kadalubhasa at kadesidido na magtanim upang may makain ang kanilang mga kababayan . Maaaring nagpapakita din ito ng pagpap